Chapter 1 : First Love... Never Dies
Sa isang unibersidad sa Maynila...
"Uuuyyy... Eto na si Peter." sabi ni Jess sa kanyang mga kaklase.
"Nakita nyo ba si Charmaine? Birthday nya ngayon di ba? Bibigay ko lang tong regalo ko..." nakangiting sinabi ni Peter.
Debut ni Charmaine ng araw na iyon. Pinagipunan ni Peter ang Parker ballpen na binalot nya sa brown na recycled paper at tinalian ng ribbon na pula, at eto sya nang matanaw si Charmaine sa malayo.
"Charmaine! Musta yung klase mo?... Happy birthday nga pala..." sigaw ni Peter. Hinawakan ni Peter ang kamay ni Charmaine at sinabing. "Eto nga pala yung gift ko sayo...". Nagpasalamat si Charmaine sa regalo ni Peter. Ito ang unang pagkakataon na ngsama sila sa mahalagang araw na iyon.
Umuwi na si Peter sa boarding house, matapos ibigay ang regalo at naisipan na lang nyang tawagan si Charmaine.
Peter: "Hello, pwede po bang makausap si Charmaine?"
Charmaine: "Speaking.."
Peter: "Happy birthday ulit... "
Charmaine: "Thanks ulit ha.. I really liked it.. especially when I saw my name engraved on it..."
Peter: "Ahh.. wala un... you're just really special to me... and I wish..."
Charmaine: "Na ano.."
Napagisip si Peter ng sasabihin... di pala planado ang gustong sabihin kaya...
Peter: "Just stay as cute as you are..."
Charmaine: "Nangiinsulto ka ba?.. ano ko aso...?"
Peter: "indi ah.. basta... joke lang... I am just thankful na nakilala kita... Mahal Kita.. "
Charmaine: "Mahal mo ko? bakit? di ba .. crush mo si Annie?... ganda nga ni Annie kanina di ba, galing pang sumayaw, marunong pa..."
Peter: "Alam mo naman di ba.. iba yung crush sa mahal..."
Napagtuloy ang paguusap ng dalawa hanggang sa nagpaalam na si Charmaine. Paguwi ni Peter ay hindi maalis sa isip niya ang kanyang mahal na si Charmaine. Ngayon lang siya napa-ibig ng ganito. Kahit na alam nya na may boyfriend itong si Charmaine sa probinsya eh porsigido itong manligaw. Ito ay sa tulong na din ng kaibigan nyang si Dennis na nakakatatanda nyang boardmate. Binasted na kasi si Peter ni Charmaine dahil nga sa may boyfriend na ito, ngunit hindi naman niya maiwasan si Peter dahil mabait ito at desente. Araw araw ay tumatawag si Peter kay Charmaine kahit minsan ay walang kadahilanan at pagmay exams sila, tumatawag si Peter para lang magkaroon ng inspirasyon. Para nga namang pampagising ng utak itong si Charmaine.
Si Charmaine ay galing pa sa probinsya. Di gaanong katangkaran, hanggang balikat ang buhok, maputi at payat. Medyo mature ang pagiisip ni Charmaine. Kasama nito sa klase ang pinsan nya si Sophie na kababata rin nya. Maganda nag magpinsan at kadalasang napapansin sa kanilang klase. Dahil dito hindi maiiwasan na magkaroon ni Peter ng karibal.
Isang araw after ng unang dalawang klase nila Peter ay naaya ito ng mga kaklaseng lalake sa isang karinderia na ngseserve ng pancakes. Matapos kumain ay ngtrip na bumili ng beer -- Grande. Hindi gaanong umiinom si Peter kaya kaagad itong ngkaroon ng amats!
"Pre ayoko na... may klase pa tayo eh..." sabi ni Peter kay Neil.
"Ah eh.. cge.. last na to... mag alas-sais na pala" sagot ni Neil.
Habang pabalik ng klasrum sila Peter, Neil, Ruel, Alvin at Migs ay nagkatuksuhan.
"Pre.. kung mahal mo talaga si Charmaine, bigyan mo nga ng roses." mapangasar na sabi ni Neil kay Peter.
"...oonga pre, kung lalake ka... cge na!... hehehe..." sapaw naman ni Alvin.
Dahil sa medyo hindi alam ni Peter ang iniisip ay naisip niya na wala namang masama sa sinabi ng mga kaklase. Bumili ito ng rosas sa harap ng gate. Pula ang binili niyang bulaklak, at dali -dali niyang hinanap si Charmaine.
"Charmaine!" hiyaw ni Peter. "Uuyy... Peter... Ano... to?" ngtatakang tanung ni Charmaine.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay napasigaw ang dalaga...
"Ano to? di ba sabi ko naman... magkaibigan lang tao... naiintindihan mo ba?!"
Napayuko si Peter... at umalis na walang sinabi...
Si Peter, mabait, di gaanong katangkaran, masiyahin at pala kaibigan. Sa kadahilanang ng-gradwayte si Peter sa exclusive school for boys ay di nito alam ang tamang pag harap sa babae, kahit na marami itong kaibigan na babae. Iba nga naman pag mahal mo na, at iba pag kaibigan mo lang.
to be continued
